Nag-iisang
ikaw
Akda
ni Caryljae C. Reyes
Para
akong isang kabibeng walang laman;
Na
palutang lutang sa malawak na karagatan
Walang
pakialam sa kahulugan ng pag-ibig;
Tanging
pangarap lang sa sarili at pagmamahal sa pamilya ang ibig
Ngunit
gaano man kalaki ang mundong ating ginagalawan
Tila
puso natin ay magkakabit at kailangan ng masasandalan
Ikaw
ang nagturo sa akin kung paano magmahal at ang mahalin
At
ang isinisigaw ng pusong ito na ikaw lang ang nais makapiling
Sa
bawat pag-ikot ng mundo;
Kasabay
nito ang paglaki ng pag-ibig ko sayo
Parang
mga bituin na nakasabog sa kalangitan
Kumikislap
at nagniningning hanggang sa kanilang kamatayan
O
aking
mahal natatangi kang talaga;
Nawa’y
pangako mo’y huwag maging isang bula
Saya
ang nadarama sa tuwing kasama ka;
Tunay
na pagsinta ay nakikita sa iyong mga mata
Sa
tuwina’t tuwina mukha mo lang ang nakikita
Pag-ibig
mong hatid ay nagdulot ng matinding ligaya
Mahal,
ibig kong malaman mo;
Munting
pagibig ko ay laging laan para sayo
Ang
pagmamahalan natin ay parang isang hangin;
Hindi
natin kailanman nakikita pero ito’y nararamdaman natin
Salamat
sa tunay na pag-ibig mo;
Salamat
sa isang tulad mo