Friday, January 31, 2014

Nag-iisang ikaw




Nag-iisang ikaw
Akda ni Caryljae C. Reyes


Para akong isang kabibeng walang laman;
Na palutang lutang sa malawak na karagatan
Walang pakialam sa kahulugan ng pag-ibig;
Tanging pangarap lang sa sarili at pagmamahal sa pamilya ang ibig

Ngunit gaano man kalaki ang mundong ating ginagalawan
Tila puso natin ay magkakabit at kailangan ng masasandalan
Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal at ang mahalin
At ang isinisigaw ng pusong ito na ikaw lang ang nais makapiling

Sa bawat pag-ikot ng mundo;
Kasabay nito ang paglaki ng pag-ibig ko sayo
Parang mga bituin na nakasabog sa kalangitan
Kumikislap at nagniningning hanggang sa kanilang kamatayan
 
 O aking mahal natatangi kang talaga;
Nawa’y pangako mo’y huwag maging isang bula
Saya ang nadarama sa tuwing kasama ka;
Tunay na pagsinta ay nakikita sa iyong mga mata

Sa tuwina’t tuwina mukha mo lang ang nakikita
Pag-ibig mong hatid ay nagdulot ng matinding ligaya
Mahal, ibig kong malaman mo;
Munting pagibig ko ay laging laan para sayo

Ang pagmamahalan natin ay parang isang hangin;
Hindi natin kailanman nakikita pero ito’y nararamdaman natin
Salamat sa tunay na pag-ibig mo;
Salamat sa isang tulad mo


No comments:

Post a Comment